Bauang, La Union | July 19, 2024

Idinaos ang programang Gobyernong Abot ang Barangay (GABAY) sa Bauang North Central School (BNCS) Sports Complex, Brgy. Central East. Ito na ang ikasampung GABAY ngayong taon. Ito ay pinangunahan ng mga opisyal ng Munisipyo ng Bauang. Ang Punong-Abala ay si Ms. Ernestina Abrogar, Barangay Day Care Worker.

Ang mga panauhin ay nag-alay ng dasal, umawit ng National Anthem, La Union Hymn, at Bauang Hymn. Nagbigay ng Welcome Remarks si Punong Barangay Hon Daryl A. Balagot. Nagbigay rin ng mensahe sila Hon. Tanya Roberta A. De Guzman, Sangguniang Bayan Member (SBM) at Hon. Veronica T. Bernardo, SBM. Nagbigay rin ng Information Education Campaign (IEC) ang Rural Health Unit (RHU).

Kasama ng mga benepisyaryo ay ang mga opisyal ng LGU Bauang, ng Barangay, at mga line agencies: Bureau of Jail Penology and Management (BJMP) at Bureau of Fire Protection (BFP).

Sa huli ay nagpaabot ng ayuda sa mga poorest of the poor na residente ng Brgy. Central East. Tuluy-tuloy din ang mga libreng serbisyo na medikal, dental, at legal na hatid ng iba’t ibang opisina ng ating Munisipyo.

Ang GABAY ay naglalayong ilapit ang ating Munisipyo sa mga mamamayan ng Bauang sa pamamagitan ng pagsagawa ng programa sa mga Barangay. Tayo ay naghahatid ng mga ayuda at libreng mga serbisyo (medikal, dental, legal advice, at bakuna para sa mga alagang hayop).

Sulong Bauang! Trabahong maGanda, Iaalay Sa ‘Yo!