Bauang, La Union | June 28, 2024

Nagkaroon ng TUPAD Pay-Out sa Bauang North Central School (BNCS) Sports Complex noong 8:30AM ng Hunyo 28, 2024. Ang ibig sabihin ng TUPAD ay Tulong Panghanap-buhay sa Ating Disadvantaged / Displaced Workers (TUPAD) Project. Ito ay programa ng Department of Labor and Employment (DOLE). Ito ay pinangunahan ni Municipal Mayor Eulogio Clarence Martin P. De Guzman III at ng DOLE.

Ang mga dumalo ay nag-alay ng dasal. Nagbigay ng mensahe sila Municipal Mayor Eulogio Clarence Martin P. De Guzman, La Union Vice Governor Hon. Mario Eduardo C. Ortega, House of Representative District Head, 2nd District of La Union Genefer Garcia Bulao-Madriaga, at Janet Madayag Mendoza, kinatawan ni Chief LEO/LUFO Head Veronica A. Corsino.

Naroon din sila Hon. Edgardo Beninsig, Association of Barangay Captains President, Sangguniang Bayan Member (SBM) Tanya A. De Guzman, SBM Veronica T. Bernardo, SBM Raymund C. Ganaden, at SBM Myrna U. Ligas.

Ang mga Barangay na nabigyang tulong ay Bawanta, Casilagan, Central West (POB), Disso-Or, Pagdalagan Sur, Paringao, Payocpoc Norte Este, Payocpoc Sur, Pottot, Puddoc, Pugo, Quinavite, at Santiago.

Written by: Korina E. Ma | Photographed by: Cris Jaime A. Balbuena