Bauang, La Union | June 28, 2024
Idinaos ang programang Gobyernong Abot ang Barangay (GABAY) sa Brgy. Pagdalagan Sur. Ito na ang ika-siyam na GABAY ngayong taon. Ito ay pinangunahan ni Municipal Mayor Eulogio Clarence Martin P. De Guzman III. Ang Punong-Abala ay si Hon. Jorge Louis M. Landingin, Barangay Kagawad.
Ang GABAY ay naglalayong ilapit ang ating Munisipyo sa mga mamamayan ng Bauang sa pamamagitan ng pagpunta sa mga Barangay. Tayo ay naghahatid ng mga ayuda at libreng mga serbisyo (medikal, dental, legal advice, at bakuna para sa mga alagang hayop). Kasama ng mga benepisyaryo ay ang mga opisyal ng LGU Bauang, ng Barangay, at mga line agencies: Bureau of Jail Penology and Management (BJMP) at Bureau of Fire Protection (BFP).
Ang mga panauhin ay nag-alay ng dasal, umawit ng National Anthem, La Union Hymn, at Bauang Hymn. Nagbigay ng Welcome Remarks si Punong Barangay Marcelo E. Aromin. Nagbigay rin ng mensahe si Mayor De Guzman. Nagbigay rin ng Information Education Campaign (IEC) ang Rural Health Unit (RHU) tungkol sa iba’t ibang sakit gaya ng Dengue. Ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ay nagbigay ng mensahe tungkol naman sa bawal na pagsusunog at paggamit ng plastic. Ang Municipal Agricultural Office (MAGO) ay nagbigay ng mensahe tungkol sa Rabies.
Sa huli ay nagpaabot ng ayuda sa mga poorest of the poor na residente ng Brgy. Pagdalagan Sur. Tuluy-tuloy din ang mga libreng serbisyo na medikal, dental, at legal na hatid ng iba’t ibang opisina ng ating Munisipyo.
Sulong Bauang! Trabahong maGanda, Iaalay Sa ‘Yo!