Bauang, La Union | June 24, 2024
Naglunsad ng isang programa ang ating munisipyo sa BNCS para sa Dengue Awareness Campaign Program na pinangunahan ng Municipal Health Office kasama narin ang Provincial Health Office at Department of Health na may temang “Stop the Spread, Sama- Sama nating Sugpuin ang Dengue. Ang aktibidad na ito ay ginanap para sa layuning magbigay ng karagdagang kaalaman sa ating komunidad.
Ang Punong-Abala ay si Ms. Baby Adelfa Fontz, Rural Sanitary Inspector (RSI). Nagkaroon ng Registration, Invocation, pag-awit ng National Anthem, La Union Hymn, at Bauang Hymn.
Ang mga dumalo ay binigyang pagkilala ni Dr. Charis Vina E. Keith. Nagbigay ng Welcome Remarks si Sangguniang Bayan Member Veronica Bernardo. Ang paksa ay idiniskurso ni Alfred B. Bambao. Nagbigay naman ng Closing Remarks si Dr. Erwill O. Nunan.
Mayroon silang paalala na 5S:
- Search and Destroy
- Self-Protect
- Seek Consultation
- Support fogging in outbreak areas
- Sustain hydration
Written by: Korina E. Ma | Photographed by: Cris Jaime A. Balbuena