Bauang, La Union | June 24, 2024

Nakisabay ang Munisipyo ng Bauang sa paggunita ng Pride Month ngayong Hunyo. Ang Pride Month sa Bauang ay pinangunahan ng Gay Association of Bauang. Isa sa kanilang highlight activities ay ang Pride March o ang LGBTQIA+ Parade na naganap sa Bauang Plaza noong Hunyo 22, 2024 8:00. Ito ay pinangunahan ng kanilang Presidente na si Richard C. Banan at ng LGBTQIA+ President ng La Union na si Rayray Estigoy. Ito ay dinaluhan ni Sangguniang Bayan Member Donny Ceazar D. Baradi, SBM Tanya De Guzman, SBM Veronica T. Bernardo. Naroon din si SK Federation President Rich Carlo A. Barnachea at ang mga SK Chairman ng Bauang.

Ang Punong Abala ay si Benjie Miranda, miyembro ng GAB. Nagbigay ng Opening Remarks si Rayray Estigoy, LGBTQIA+ La Union President.

Ang iba pa nilang aktibidad ay ang mga sumusunod:

  • Mural Painting + Philippine Independence Day – June 12 (Bauang Plaza)
  • LGBTQIA+ Parade – June 22 (Bauang Plaza)
  • Sportsfest – June 22
  • Livelihood Workshop Program – June 27 (BNCS Sports Complex)
  • Community Outreach: Libreng Gupit – June 12 (BJMP), 14 (Bagbag), 17 (Disso-or), 19 (Ballay)

Nakita natin sa Parada ang mga miyembro ng Gay Association of Bauang. Naroon din ang mga kandidato ng Ms. LGBTQIA+ 2024. Sila ay pumarada sa likod ng Sts. Peter and Paul Parish, sa tapat ng Bauang North Central School (BNCS), sa palibot ng Bauang Commercial Center, at pabalik sa simbahan.

Ang ibig sabihin ng LGBTQIA+ ay Lesbian, Gay, Bi, Transgender, Queer, Intersex, Asexual (o Ally), at iba pa.

Written and Photographed by: Korina E. Ma | Photos Edited by: Cris Jaime A. Balbuena