Bauang, La Union | June 12, 2024
Kasabay ng paggunita ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, nagkaroon din ang Munisipyo ng Bauang ng BISIG-KLETA: Bike Ride for a Cause. Ito ay pinamunuan ng Regional Alternative Child Care Office Region I. Ito ay dinaluhan ng mga siklista mula sa Bauang.
Ang mga siklista ay nagsimula sa Plaza ng Bauang, papuntang Brgy. Lower San Agustin, Brgy. Bawanta, palabas ng Brgy. Pottot sa National Highway. Sila ay nagtapos sa Finish Line sa Brgy. Quinavite Covered Court.
Ang bike ride na ito ay nagbibigay ng kaalaman para sa Adoption and Alternative Child Care (AACC) Week ngayong taon.
Nagkaroon ng programa sa Covered Court ng Brgy. Quinavite na pinangunahan ni Municipal Mayor Eulogio Clarence Martin P. De Guzman III. Nagkaroon muna ng Zumba bago ang pagbigay-mensahe ni Mayor De Guzman. Sabi ni Mayor, mas madali na raw ang adoption process ngayon kumpara noong panahon nila. At nagpasalamat din siya sa RACCO Region I dahil sa Bauang nila piniling magsagawa ng programa para sa AACC 2024.
Ang mga dumalo ay lumagda sa Pledge of Commitment Wall para maghatid ng mensahe tungkol sa adoption. Sa huli ay binigyang parangal ng pagkilala ang mga institusyong nakilahok sa programa, pati na rin ang mga siklista.
Photo Credit for Top 3 Cyclists: Philippine Information Agency (PIA) La Union