Bauang, La Union | June 11, 2024

Written and Photographed by: Cris Jaime A. Balbuena

Ang lokal na pamahalaan ng Bauang, na pinangungunahan ni Mayor Eulogio Clarence Martin P. De Guzman III, ay nakibahagi sa paglulunsad ng eGovPH App at eLGU kick-off ng Department of Information and Communications Technology (DICT) noong June 11, 2024, na isinagawa sa Thunderbird Resort, City of San Fernando, La Union. 

Bilang representative ni Mayor De Guzman, dinaluhan ni Ms. Daisy A. Sayangda, Municipal Administrator – Internal Management, kasama ang iba pang mga department heads ng munisipyo na sina Ms. Marvin G. Subala, HRMO/PESO Manager, Ms. Arlie R. Alonzo, MSWD Officer, Mr. Voltaire Q. Mallare, Licensing Officer 1/BPLO, Mr. Rich Carlo A. Barnachea, Pangulo ng SK Federation, at iba pang kawani ng munisipyo.

Pinangunahan ng DICT ang nasabing okasyon na dinaluhan din ng mga dignitaryo ng ahensya, national agency at mga lokal na pamahalaan.

Ang mga nabanggit na proyekto ay nagsisilbing malakas na patunay sa kahalagahan ng mga inobasyon na dala ng Information and Communication Technology (ICT) sa pagpapaganda at pagpapabilis ng digitalisasyon ng mga serbisyong pampubliko.  Ito ay nagpapakita kung paano magagamit ang teknolohiya upang mapabuti ang akses sa serbisyo, itaguyod ang transparencia, at mapaunlad ang paghahatid ng serbisyo sa publiko.