Bauang, La Union | June 10, 2024
Isinagawa ng Munisipyo ng Bauang ang Traditional Monday Flag-Raising Ceremony na pinangunahan ng Tanggapan ng Municipal Civil Registry sa pamumuno ni Ms. Leila A. Anden, Municipal Civil Registrar, sa Bauang North Central School (BNCS) Sports Complex.
Ang seremonya ay nakatuon sa halaga ng Pampublikong Interes, na ibinahagi naman ni Sangguniang Bayan Member Raymund C. Ganaden. Nagbigay din ng kanilang inspirational na mensahe sila Vice Mayor Henry A. Bacurnay Jr., at Mayor Eulogio Clarence Martin P. De Guzman III.
Kasunod ng pagtaas ng watawat, isang mahalagang hakbangin ang isinagawa: isang sorpresang pagsusuri sa droga para sa lahat ng empleyado ng munisipyo. Ito ay pinangunahan nina Mayor De Guzman, Vice Mayor Bacurnay, mga Sangguniang Bayan Members, at mga Department Heads, na nagpapakita ng kanilang dedikasyon sa pagtaguyod ng isang drug-free workplace sa loob ng munisipyo.
Sulong Bauang! Trabahong maGanda, Iaalay Sa ‘Yo!