May 21, 2024
Bauang, La Union – Isang leksyon, pagsindi ng kandila, pagbigay ng contraceptives, at pagsagawa ng HIV test ang naganap sa Farmers Hall. Ito ay dinaluhan ng Rural Health Unit (RHU), iECHO Support Advocacy Inc., mga on-the-job trainee na nurse mula sa Don Eulogio Mariano Marcos Memorial State University (DMMMSU), at iba pang mga panauhin.
Nagbigay ng mensahe sila Melinda S. Versoza, PhD, Principal III, Dr. Erwill Nunan, Municipal Health Officer, at Dr. Paula Paz M. Sydiongco, DOH-CHD1 Regional Director.
Nagsalita tungkol sa Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) si Marc Allen M. Gonzalvo, Peer Navigator of SHIP Inc. at Social Media Administrator of iECHO Support Advocacy Inc. Kasama niya si Ronald Kevin M. Barangot, President & Founder of iECHO Support Advocacy Inc. at HIV Case Manager of SHIP Inc. na nagsalita tungkol sa HIV 101.
Ang mga panauhin ay nagsindi ng kandila at nag-alay ng dasal para sa mga dumaranas ng HIV at sa mga yumao dahil sa HIV. Ang candle-lighting ceremony ay nagsimula pa noong 1983.
Pagkatapos ay nagkaroon ng pamimigay ng contraceptives at libreng HIV test.
Korina E. Ma