Bauang, La Union | May 20, 2024
Nagtipun-tipon ang mga opisyal at empleyado ng Munisipyo ng Bauang at iba pang mga ahensya para sa Flag-Raising Ceremony na ginaganap bawat Lunes sa Bauang North Central School (BNCS) Sports Complex. Ito ay pinamunuan ni Mayor Eulogio Clarence Martin P. De Guzman III. Ang Punong-Abala ay ang Municipal Agricultural Office (MAGO).
Nagsalita si Sangguniang Bayan Member Hon. Myrna U. Ligas at ibinigay ang Values Formation ng seremonya na Taming the Tongue.
Ang mga dumalo ay nag-alay ng dasal, umawit ng Lupang Hinirang, nanumpa ng Panatang Makabayan at Panunumpa ng Lingkod Bayan, umawit ng La Union Hymn at Bauang Hymn, at nanumpa ng Quality Policy.
Nagsalita rin sila Municipal Vice Mayor Henry A. Bacurnay, Jr. at Municipal Mayor Eulogio Clarence Martin P. De Guzman III.
Nagtanghal ang Agriculture Office ng kanilang audio-visual Accomplishment Report. Kabilang sa kanilang mga tagumpay ay pagbigay ng fertilizer, seeds, at financial assistance sa mga magsasaka at mangingisda sa Bauang.
Pagkatapos ng seremonya ay nagkaroon ng leksyon tungkol sa ipinagbabawal na gamot o illegal drugs na tinalakay ng mga kinatawan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA. Tinalakay nila ang iba’t ibang yugto ng pagsasagawa ng random drug testing.
Maraming salamat sa Agriculture Office, sa mga opisyal at empleyado, sa mga kinatawan ng PDEA, at iba pang dumalo sa Seremonya ng Bandila.