Bauang, La Union, May 16, 2024

Nagkaroon ng pagtitipon sa Farmers Hall ang mga stakeholders sa Bauang Bakawan Eco-Tourism Park. Layunin ng pagtitipon na ito na intindihin ang proseso ng pag-apply para sa National Reservation ng Bakawan. sa nasasakupan ng Bakawan. Ang Bakawan Eco-Tourism Park ng Bauang ay nasa Brgy. Parian Oeste at pinamamahalaan ng Municipal Information and Tourism Office (MITO).

Ito ay pinamunuan ni Mayor Eulogio Clarence Martin P. De Guzman III. Ang Punong-Abala ay si Municipal Administrator Daisy Sayangda. Dumalo rin ang iba’t ibang ahensya:

  • Engr. Arnulfo Cacho at Marlon Angelo G. Umel – Provincial Assessor’s Office
  • Atty. Charles Simon Victor E. Keith, Forester Racquel Orpilla, at William Cabanban – Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO)
  • Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)
  • Architect-Consultant Rossano “Bobby” G. Baradi
  • President Ernesto Miranda – Bauang Fishing Group and Consumers Cooperative (BFGCC)
  • Jecca Costales-Pimentel – Municipal Planning and Development Council (MPDC)
  • Diana A. Fernandez, John Michael H. Aromin, Mark Dave A. Martinez – Municipal Assessor’s Office (MASSO)
  • Marc Alvin Garcia – Municipal Environmental and Natural Resources Office (MENRO)
  • Dr. Alan I. Gamueda – Municipal Agricultural Office (MAGO)
  • Ricardo A. Navarro, Jr. at Diana Gapasin – Municipal Information and Tourism Office (MITO)
  • Marie C. Mayo – Municipal Engineering Office (MEO)
  • Diosdado A. Estigoy – Rural Health Unit
  • Luz Sabado – Brgy. Bagbag

Nandiyan din ang iba’t ibang kinatawan ng mga Barangay na nasasakupan ng Bakawan at coastal barangays.

Napag-usapan nila ang pagsagawa ng opisyal na mapa para sa Bakawan, mga batas na pumapalibot dito, at mga planong itayo o alisin sa lokasyon nito. Sabi ni Mayor De Guzman, hindi ito maaaring tayuan ng industrial properties.

Mayroong itinanghal para sa paksang National Reservation si Municipal Assessor Diana A. Fernandez. Ang Provincial Assessor naman ay nagtanghal ng mapa ng Bakawan sa kasalukuyan at sa nakaraan.

Sa huli ay nagbigay ng closing remarks si Sangguniang Bayan Member Hon. Felix P. Sanchez. Si SBM Sanchez ay ang Chairman ng Committee on Environment and Solid Waste Management.

Binigyan din ng tokens na mugs mula sa Office of the Mayor ang mga opisyal na dumalo.

Salamat sa mga panauhin at stakeholders at nawa’y mas protektahan pa natin ang Bauang Bakawan Eco-Tourism Park hindi lang para sa mga turista kundi para sa mga lokal na mangingisda at residente sa Bakawan.