May 13, 2024

BAUANG, LA UNION – Bumisita ang Anthropology Ecological students mula sa University of the Philippines Baguio sa Bauang Bakawan Eco-Tourism Park, Brgy. Parian Oeste. Ito ay parte ng kanilang pag-aaral. Ikalawa na nila itong pagbisita. Ang unang batch ay bumisita noong Mayo 6, 2024. Sila ay sinalubong ng Municipal Information and Tourism Office (MITO), Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), at Municipal Agriculturist Office (MAgO).

Nagkaroon sila ng orientation sa pamumuno ng Tourism Office, kung saan tinalakay ang mga aktibidad na pwedeng gawin sa Bakawan at mga species ng halaman na matatagpuan dito. Nagkaroon din ng boating sa tulong ng mga mangingisda., bird-watching, at tree-planting ng “Bakauan Babae.” Kasama nila ang kanilang propesor sa nangyaring educational field trip, na nagsaad na binabalanse ng bakawan ang freshwater at saltwater.

Sana ay patuloy nating protektahan ang Bakawan ng Bauang para ito ay magsilbing edukasyon para sa mga estudyante hindi lamang mula sa Bauang kundi sa mga karatig-bayan.

Photo Credits: Municipal Information and Tourism Office (MITO)