May 15, 2024

Bauang, La Union—Mayo 15, 2024, sa pamumuno ni Mayor Eulogio Clarence Martin P. De Guzman III at sa pakikipagtulungan ng Municipal Agriculture Office na pinamumunuan ni Dr. Allan I. Gamueda (OIC), nagkaloob ang Pamahalaang Bayan ng Bauang ng mga motorized banca sa siyam na mangingisda mula sa iba’t ibang barangay. Ang seremonya ay ginanap sa Barangay Baccuit Norte.

Ang mga masisipag na mangingisda na ito ay magsisilbing Bantay Dagat upang mabantayan at maiwasan ang mga ilegal na pangingisda sa nasasakupan ng bayan.

Dumalo rin sa nasabing kaganapan sina SBM Donny Ceazar D. Baradi, SBM Danilo P. Abuan, G. Wilson Samuel C. Caluza (Executive Assistant II/Administrator for Operation), Punong Barangay Paolo Mendoza, at mga kinatawan mula sa PNP Maritime at Philippine Coast Guard.

Ang pagkakaloob ng motorized banca ay itinalaga sa Republic Act (RA) 7171 noong January 9, 1992. Sa batas na ito, ang tobacco farmers ang pangunahing pinagkakalooban ng assistance. Sa ating Munisipyo, isinama rin ang fisherfolks dahil sila ay malaking parte ng ating bayan.