Nagtipun-tipon ang mga opisyal ng Munisipyo ng Bauang at mga Punong Barangay para sa taunang Municipal Development Council Meeting. Ito ay pinangunahan ni Mayor Eulogio Clarence Martin P. De Guzman III at Vice Mayor Henry A. Bacurnay, Jr. Tinalakay nila ang paksang Annual Investment Plan (AIP) 2025 kung saan pinag-usapan ang proposed budget para sa taong 2025.
Ito ay dinaluhan ng mga representative mula sa Municipal Planning and Development Council (MPDC), Municipal Assessors Office (MASSO), Gender and Development (GAD), at Municipal Information Office. Idiniscuss ni Municipal Planning and Development Coordinator Florence B. Rulloda ang proposed budget para sa taong 2025.
Ang mga kategorya sa ilalim ng proposed budget ay Social Development, Gender and Development, Disaster Prevention, Preparedness, and Response, Elderly Persons with Disabilities, at Protection of Children. Nagkaroon din ng Open Forum kung saan nagbigay ng katanungan at suhestiyon ang mga Punong Barangay para sa kani-kanilang nasasakupan.