Mayo 10, 2024

Nagsagawa ng GABAY ang Munisipyo ng Bauang sa Barangay Pilar. Ang GABAY o Gobyernong Abot ang Barangay ay nagaganap buwan-buwan sa bawat barangay ng Bauang upang maghatid ng tulong sa mga residente. Ito ay ang ika-pitong GABAY ngayong taon. Si Ms. Gemma Pascua, Barangay Day Care Worker ang nagsilbing Punong-Abala o Master of Ceremony sa sa GABAY ng Barangay Pilar.

Nagkaroon muna ng Misa na pinamunuan ni Rev. Fr. Jojo Quesada, Parish Priest ng St. Joseph the Worker Parish. Nagkaroon din ng tree-planting na pinamunuan ni Mayor Eulogio Clarence Martin P. De Guzman III kasama ang ibang opisyal. Pagkatapos ay umawit ang lahat ng Lupang Hinirang, La Union Hymn, at Bauang Hymn.

Para sa Welcome Remarks, nagsalita ang Punong Barangay ng Pilar na si Hon. Jimmy D. Bulacan. Aniya, kailangan umanong gabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak upang makapagtapos ng pag-aaral. Para sa Opening Remarks, nagsalita naman si Sangguniang Bayan Member at Presidente ng Liga ng mga Barangay Hon. Edgar Beninsig. Nagbigay-mensahe rin si Vice Mayor Henry A. Bacurnay, Jr. Si Mayor Eulogio Clarence Martin P. De Guzman III ay nagbigay rin ng mensahe at binigyang pagkilala si Ms. Pascua na Child Development Worker at ang mga staff ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD). Ipinaalala rin ni Mayor ang katagang, “The more you give, the more you receive.”

Pagkatapos ay nagsalita si Police Chief Master Sergeant (PCMS) Charlie Llarenas ng Philippine National Police (PNP) Bauang upang magbigay paalala laban sa ipinagbabawal na droga o illegal drugs. Binanggit din niya ang parangal ng Bauang sa kategoryang Peace and Order.

Matapos ang mga nagsalita ay sinimulan na ang pagbigay ng ayuda, medisina, bakuna para sa mga alagang hayop, at iba pang tulong para sa mga Bauangeño na taga-Pilar.