April 29, 2024
Noong Abril 29, 2024, may kabuuang 47 benepisyaryo ang nabigyan ng tulong-pinansyal sa ilalim ng programang Financial Assistance Grant Pay-Out. Ginanap ito sa People’s Hall, Municipal Social Welfare and Development (MSWD) Office. Pangalawa na itong pay-out ngayong buwan ng Abril. Nauna na ang may 147 benepisyaryo noong Abril 22, 2024 na ginanap sa Bauang North Central School.
Ito ay pinamunuan ni Mayor Eulogio Clarence Martin P. De Guzman III na nirepresenta ni Administrator for Operations Mr. Wilson Samuel C. Caluza. Ito ay ipinatupad naman ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) Office sa pamumuno ni Ms. Arlie R. Alonzo, ang Local Social and Development Officer ng bayan ng Bauang.
Kasaysayan
Ito ay base sa ordinansang itinalaga noong 2022. Ang pondong inilalaan para dito ay galing sa opisina ng MSWD, sa programang Emergency Assistance – Aid to Individuals in Crisis Situation (EA-AICS).
Ang Ordinansang ito, o ang Bauang Financial Assistance Ordinance, ay nais gawing institusyonal ng mga pambansang opisyal upang makinabang ang sambayanang Pilipino mula sa iba’t ibang lalawigan, sa pamamagitan ng Department of Social Work and Development (DSWD). Nauna na nga itong isinagawa sa bayan ng Bauang sa pamamagitan ng MSWD.
Nais mo bang mag-apply, kailian?
Para mag-apply ng tulong-pinansyal, bisitahin lamang ang opisina ng MSWD na matatagpuan sa taas ng Land Bank Bauang, o di kaya ay magpadala ng mensahe sa Facebook Page ng MSWD Bauang, La Union o tumawag sa numerong (072) 705 0516.
Sulong Bauang! Trabahong maganda, iaalay sa ‘yo!