Kailian, kaisa ninyo ang Bauang sa paggunita ng 18-day Violence Against Women (VAW) mula November 25 hanggang December 12, 2024.
Ayon sa UN Declaration on the Elimination of Violence against Women (1993), ang VAW ay “anumang karahasan na nakabatay sa kasarian na nagreresulta o malamang na magresulta sa pisikal, sekswal o sikolohikal na pananakit o pagdurusa ng kababaihan, kabilang ang mga banta, pamimilit o di-makatwirang pag-agaw ng kalayaan, nangyayari man sa pampubliko at pribadong buhay.”
Kung kayo ay nakararanas ng diskriminasyon, pang-aabuso, o pambabastos dahil sa inyong pagkababae, may karapatan kang magreklamo! Lumapit sa mga kawani ng inyong Barangay o sa Philippine National Police (PNP).
Alamin ang batas. Alamin ang iyong karapatan. Hindi ka nag-iisa.
Isinulat ni: Korina Esteban-Ma
Kinunan ng Litrato ni: Cris Jaime A. Balbuena