“Simple Living” ang tema ng Flag-Raising Ceremony noong July 29, 2024, Lunes. Ito ay ginanap sa Farmer’s Hall, Municipal Building, sa kasagsagan ng Habagat.
Si Hon. Donny Ceazar D. Baradi, Sangguniang Bayan Member (SBM), ang nagbigay ng nasabing values formation na Simple Living.
Kasunod nito ay isang panalangin na pinangunahan ni Ms. Marlita Biason, GAD Focal Person, at pagkatapos ay ang Pambansang Awit ng Pilipinas. Sinundan ito ng pagbigkas ng Panata sa Bagong Pilipinas na pinangunahan ni Mr. Lorenzo C. Agustin, OSCA President. Sumunod naman ang Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas na pinangunahan ni Mr. Voltaire Q. Mallare, BPLO. Si Mr. Abraham Marc Valen B. Pimentel, OIC-POSO naman ang nanguna sa pagbigkas ng Panunumpa ng Lingkod Bayan. Pagkatapos nito ay kinanta ang Bagong Pilipinas Hymn, La Union Hymn, at Bauang Hymn. Sa huli, binigkas ni Mr. Gian Troy Gapasin ang Quality Policy.
Nagbigay rin ng mensahe sila Acting Vice Mayor Hon. Tanya Roberta A. De Guzman at Acting Mayor Hon. Henry A. Bacurnay, Jr. tungkol sa Simple Living at State of Calamity ng Bauang.