Bauang, La Union | July 18 and 22, 2024

Idinaos ang Regional at School-Level Brigada Eskwela 2024 sa Bauang. Ang Regional Brigada Eskwela 2024 ay idinaos sa Paringao Elementary School noong July 18, 2024, Huwebes. Ito ay dinaluhan ng matataas na Opisyal mula sa Provincial Government of La Union, partikular ay si Gov. Raphaelle “Rafy” Ortega-David. Mula sa Munisipyo ng Bauang, ito ay dinaluhan ni Ms. Rovena Aromin-Pimentel, Local School Board (LSB) Secretariat, kinatawan ni Bauang Municipal Mayor Eulogio Clarence Martin P. De Guzman III.

Ang highlight ng event ay ang pagbigay ni Gov. Rafy ng fund appropriation na siyam na milyong piso o PHP9,000,000.00. Noong nakaraang taon umano, ang fund ay nasa anim na milyong piso o PHP6,000,000.00. Ang siyam na milyong pisong ito ay paghahatian ng 453 public schools, na pumapatak sa P20,000.00 kada paaralan. Ito ay sinabayan ng pagbigay ng 24,000 workbooks para sa grades 4-5.

Pagkatapos ng regional program, nagsagawa naman ang Bauang ng ating Brigada Iskwela sa ating mga pampublikong paaralan. Si Municipal Mayor De Guzman ay bumisita sa Eulogio Clarence De Guzman Junior Memorial National Vocational High School sa Brgy. Acao at nagbigay ng inspirasyonal na mensahe.

Ang Brigada Eskwela ay isang taunang programa sa pagpapanatili ng paaralan na humihimok sa mga mag-aaral, guro, magulang, at iba pang kawani na mag-ambag ng kanilang oras upang matiyak na handa ang mga paaralan para sa pagbubukas ng klase.