Bauang, La Union | July 8, 2024
Ang Munisipyo ng Bauang ay nagsagawa ng 5-day Census of Population & Community-Based Monitoring System (POPCEN-CBMS) Training para sa mga enumerators ng Bayan ng Bauang. Ito ay pinamunuan ni Mayor Eulogio Clarence Martin P. De Guzman III at ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ito ay naganap sa Bauang North Central School (BNCS) Sports Complex.
Ito rin ay pinangunahan ni Ms. Florence B. Rulloda, Municipal Planning and Development Coordinator (MPDC). Naroon din ang iba pang staff ng Municipal Planning and Development Office (MPDO). Ang huling araw nito ay sa Biyernes Hulyo 12, 2024. Ang naturang training ay naglalayong maihanda ang mga enumerators sa 2024 POPCEN-CBMS Rollout sa darating na July 15.
Ang enumerators ang nagsasagawa ng door-to-door interviews sa mga residente upang makakuha ng impormasyon na siyang ginagamit ng PSA. Ang impormasyon na makakalap ay confidential.