Bauang, La Union | June 12, 2024
Ginunita ng Munisipyo ng Bauang ang ika-126 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 2024 sa Plaza ng Bauang. Ito ay pinangunahan ni Municipal Mayor Eulogio Clarence Martin P. De Guzman III at Municipal Vice Mayor Henry A. Bacurnay, Jr. Ito ay dinaluhan ng mga Miyembro ng Sangguniang Bayan, empleyado, at mga mamamayan ng Bauang. Ito ay inorganisa ng Municipal Information and Tourism Office (MITO).
Nagbigay ng kasaysayan ng Araw ng Kalayaan si Ricardo A. Navarro, Jr. ng Municipal Information and Tourism Office. Ang Bauang Baggak Choir naman ay umawit ng dasal, Lupang Hinirang, La Union Hymn, at Bauang Hymn. Pinangunahan ni Hon. Rich Carlo A. Barnachea, SK Federation President
Nagbigay ng inspirasyonal na mensahe sila Municipal Vice Mayor Henry A. Bacurnay, Jr. at Mayor De Guzman.
Kasunod nito ang wreath-laying na pinangunahan ng mga opisyal ng Bauang at Philippine National Police (PNP).
Nakisabay rin ang iba’t ibang LGU Barangay ng Bauang sa kani-kanilang mga barangay sa paggunita ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.
Pagkatapos nito ay nagsimula na ang iba’t ibang aktibidad para sa araw na iyon: ang BISIG-KLETA na bike ride for a cause ng Regional Alternative Child Care Office Region I at mural painting ng Bauang LGBTQ.