Nagtipun-tipon ang mga opisyal at kawani ng Local Government Unit (LGU) ng Bauang at iba pang ahensya: Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail and Management (BJMP), Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Philippine National Police (PNP) sa Bauang North Central School (BNCS) Sports Complex para sa Seremonya ng Bandila. Ang Punong-Abala ay ang Municipal Budget Office.

Naghatid ng Values Formation na “Trust” si Sangguniang Bayan Member Donny Ceazar D. Baradi.

Ang mga dumalo ay nag-alay ng dasal, umawit ng Lupang Hinirang, nanumpa ng Panatang Makabayan at Panunumpa ng Lingkod Bayan, umawit ng La Union Hymn at Bauang Hymn, at nanumpa ng Quality Policy.

Nagpresenta ng audio-visual na Accomplishment Report ang Municipal Budget Office.

Sa huli ay nagbigay ng mensahe tungkol sa “Trust” si Municipal Vice Mayor Henry A. Bacurnay, Jr. at Municipal Mayor Eulogio Clarence Martin P. De Guzman. Pinaalala rin ni Mayor De Guzman na sa Hunyo 4, 2024, Martes, ang Assessment ng LGU Bauang para sa Seal of Good Local Governance (SGLG) 2024.

Sulong Bauang! Trabahong maGanda, Iaalay Sa ‘Yo!

Korina E. Ma