May 31, 2024

Naganap ang ika-siyam na Kadiwa ng Pangulo sa Plaza ng Bauang kaninang 9:00AM – 12:00PM. Tampok dito ang iba’t ibang kalidad na gulay, prutas, at iba pang basic goods na mas mura dahil karamihan sa mga ito ay tanim mismo ng mga nagtitinda.

Ito ang ika-siyam na Kadiwa sa bayan ng Bauang. Nagsimula ito noong katapusan ng Enero. Nagaganap ito bawat akinse (15th) at katapusan (30th) ng bawat buwan sa Bauang. Ito ay pinamamahalaan ni Municipal Agriculturist Officer-in-Charge (OIC) Dr. Alan I. Gamueda at Business One Stop Shop (BOSS) Administrator-Designate Marvilyn Savellano.

Ito ay sinimulan ng Department of Agriculture (DA) sa Taguig City noong September 13, 2019 sa pamumuno ni dating DA Secretary William D. Dar. May pangalan ito noong “Kadiwa ni Ani at Kita.” Ito ay unti-unting inilunsad sa iba’t ibang probinsya ng Pilipinas. Taong 2022 nang pinaigting ni Pangulong Ferdinand E. Marcos, Jr. ang pagpapalaganap nito at binansagan ang programa bilang “Kadiwa ng Pasko” at ngayon ay “Kadiwa ng Pangulo.”

Kanina ay nakapanayam natin ang apat na tindera para sa ika-siyam na Kadiwa. Sila ay sina:

  • Maricel A. Flora, 52
  • Medina Florenda, 73
  • Cresencia Sabado Garcia, 49
  • Ancheta Esmeralda Bagoyo, 59

Naitanong din natin ang presyo ng ibang tinda ni Aling Ancheta.

  • Sibuyas 90/kilo
  • Bawang 120/kilo
  • Small eggplant 50/kilo
  • Big eggplant 80/kilo

Abangan ang susunod na Kadiwa ng Pangulo sa Bauang sa buwan ng Hunyo!

Kung nais mong sumali bilang tindera sa Kadiwa ng Pangulo, maaaring magpunta sa Munisipyo ng Bauang o tawagan ang aming opisina sa numerong (072) 607 2911. Maaari ring magmensahe sa aming Facebook Page na Municipality of Bauang, La Union.

Sulong, Bauang! Trabahong maGanda, Iaalay Sa ‘Yo (TGIS)!

Source:

Kadiwa ni Ani at Kita:

https://www.da.gov.ph/kadiwa-ni-ani-at-kita-project-launched/

Kadiwa ng Pasko at Kadiwa ng Pangulo:

https://pco.gov.ph/news_releases/pbbm-to-lead-nationwide-launch-of-kadiwa-ng-pasko-project