Bauang, La Union, May 24, 2024 – Idinaos ang programang Gobyernong Abot ang Barangay (GABAY) sa Brgy. Bawanta. Ito ay pinamunuan ni Municipal Mayor Eulogio Clarence Martin P. De Guzman III at Vice Mayor Henry A. Bacurnay, Jr. Ang Punong-Abala ay si Ms. Dalisay M. Cabaya, Barangay Secretary ng Bawanta.
Ang GABAY ay naglalayong ilapit ang ating Munisipyo sa mga mamamayan ng Bauang sa pamamagitan ng pagpunta sa mga Barangay. Ito na ang ikawalo ngayong taon. Tayo ay naghahatid ng mga ayuda at libreng mga serbisyo (medikal, dental, legal advice, at bakuna para sa mga alagang hayop).
Nagkaroon muna ng Misa sa pangunguna ni Rev. Fr. Samuel Joseph F. Banayat, Jr. Pagkatapos ay ang tree-planting ni Mayor De Guzman at iba pang opisyal. Lahat ay umawit ng National Anthem, La Union Hymn, at Bauang Hymn. Nagbigay ng Welcome Remarks si Punong Barangay Hon. Augusto P. Zafra. Nagbigay rin ng mensahe si Vice Mayor Bacurnay at Mayor De Guzman. Sabi ni Mayor De Guzman, kailangan nating palakasin ang medikal na tulong mula sa Barangay Health Centers para mas maabot nito ang mga mamamayan. Nagbigay rin ng Information Education Campaign (IEC) ang Rural Health Unit (RHU) tungkol sa init at ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) tungkol naman sa bawal na pagsusunog at paggamit ng plastic.
Sa huli ay nagpaabot na ng ayuda sa mga poorest of the poor na residente ng Brgy. Bawanta. Tuluy-tuloy din ang mga libreng serbisyo na medikal, dental, at legal.
Sulong Bauang! Trabahong maGanda, Iaalay Sa ‘Yo!
Korina E. Ma