Bauang, La Union | May 16, 2024
Bumisita sa Office of the Municipal Mayor ang mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), at National Authority for Child Care para talakayin ang Sustainable Livelihood Program (SLP) at Adoption and Alternative Child Care Week.
Ang kinatawan ng DSWD ay sina Aileen Bravo, PDO II at Christian Camacho. Kasama nila si Arlie R. Alonzo mula sa MSWDO. Ang Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD sa inisyatibo nila Cong. Sandro Marcos at Cong. Dante Garcia of Dist. 2. Kaya umano nitong mabiyayaan ng tulong-pinansyal ang 90 katao. Ang SLP ay programa ng DSWD na nag-aabot ng tulong-pinansyal para sa pangkabuhayan at sa trabaho.
Ang mga kinatawan naman ng National Authority for Child Care ay sila Hiyasmin Joy O. Nieva-Kabelas SWD N/ OIC RACC Officer at Jasmine Jet E. Dagdag SWO III. Nandoon din sila Cristan Frederick B. Sibunga, PDO I at Eula Mae Carla D. Olod. Kasabay ng kanilang pagtalakay sa Adoption and Alternative Child Care Week ay ang pagtalakay sa programang “BisigKleta.” Ang Adoption and Alternative Child Care Week ay nagsimula noong 2022. Ito ay programa para sa adoptive families at adopted children.
Para sa mga katanungan tungkol sa tulong-pinansyal mula sa DSWD, maaaring pumunta sa opisina ng MSWDO sa taas ng LandBank o magmensahe sa kanilang Facebook Page.
Source:
Sustainable Livelihood Program:
https://fo3.dswd.gov.ph/sustainable-livelihood-program-slp
Adoption and Alternative Child Care Week:
https://www.dswd.gov.ph/dswd-supports-1st-adoption-and-alternative-child-care-week-celebration