May 15, 2024

BAUANG, LA UNION – Nagkaroon ng orientation ng Seal of Local Good Governance (SGLG) for Barangay sa People’s Hall, Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Brgy. Central East. Ito ay dinaluhan nina Municipal Local Government Operations Officer Helen Jubilado at Police Chief Master Sergeant (PCMS) Charlie Llarenas at ng mga kinatawan ng barangay ng Bauang.

Tinalakay ni PCM Charlie Llarenas ang Katarungang Pambarangay at ang patuloy na pangangasiwa sa Person Who Use Drugs (PWUDs) and Illegal Drugs. Idiniskurso na rin ang adhikain ng Philippine National Police (PNP) na kapayapaan at kaayusan.

Matatandaang nagkaroon na ng Pre-Assessment for SGLG 2024 ang Munisipyo ng Bauang noong Mayo 13, 2024.

Nawa’y patuloy na maparangalan ang ating Munisipyo at mga Barangay ng SGLG at nawa’y maging maayos ang ating trabaho ayon sa mga parametro nito, para na rin sa mga Bauangeños.