Nagpulong ang mga opisyal at empleyado ng Munisipyo at mga representative mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ng Bauang noong May 13, 2024 sa Farmers Hall para talakayin ang mga parametro na kailangang bunuin ng ating Munisipyo ngayong taong 2024 para sa Seal of Good Local Governance (SGLG).
Nagbigay ng mensahe si DILG La Union Provincial Director Reggie A. Colisao, CESO V. Ang tumalakay ng mga paksa ay sina Charina B. Flora, Patrick Jorge Sibayan, at Jayson Ordinario, mula rin sa DILG. Ang SGLG ay itinalaga noong August 2, 2019 sa ilalim ng Republic Act 11292 o The SGLG ACT of 2019. Ang Implementing Rules and Regulations (IRR) nito ay naaprubahan noong December 28, 2020.
Ang sampung parametro sa ilalim nito ay ang mga sumusunod:
- Disaster Preparedness
- Social Protection and Sensitivity Programs
- Environmental Management
- Tourism, Heritage Development, Culture, and Arts
- Business-Friendliness and Competitiveness
- Safety, Peace, and Order
- Health Compliance and Responsiveness
- Programs for Sustainable Education
- Youth Development
Maaalalang nagkaroon ng parangal ang Munisipyo ng Bauang na Seal of Good Local Governance noong mga taong 2017, 2022, at 2023. Maliban pa diyan, ang iba pang parangal ng ating Munisipyo ay ang
- Seal of Good Housekeeping noong 2011
- National Anti-Drug Abuse Council Performance Award noong 2018 at 2022
- at Seal of Child-Friendly Local Governance noong 2019 at 2022
Magkakaroon ulit ng pagtitipon sa Munisipyo tungkol sa SGLG sa susunod na buwan para sa final assessment.
Sulong Bauang!