Nagbigay ng pangkabuhayan package ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa tulong ng Munisipyo ng Bauang noong Mayo 13, 2024 kay Ginang Edna T. Gagtan, edad 58, mula sa Brgy. Central East. Ito ay naganap sa bulwagan ng Munisipyo ng Bauang.

Ito ay pinamunuan ni Mayor Eulogio Clarence Martin P. De Guzman III. Dinaluhan ito ng DOLE representatives, Administrator for Operations Wilson Samuel C. Caluza, at Municipal Government Department Head (MGDH) ng Human Resources Management Office (HRMO) Marvin S. Subala.

Si Ginang Edna T. Gagtan ay nabigyan ng P29,953, frozen goods, freezer, at accidents insurance for one (1) year. Si Ginang Edna ay tinaguriang Home-Based Worker ng DOLE. Ito ay napakagandang regalo sa inang kagaya ni Ginang Edna lalo pa’t katatapos lamang ng Araw ng mga Ina.
May 13, 2024