Ngayong araw ng Lunes, Mayo 6, 2024, nagsagawa ang Munisipyo ng Bauang ng Pagbigay Tulong-Pangkabuhayan o Awarding of Livelihood Assistance sa pamumuno ni Mayor Eulogio Clarence Martin P. De Guzman III. Ito ay may Special Referral Fund mula kay Hon. Cong. Dante S. Garcia. Ito ay ginanap sa Bauang North Central School, Central East, Bauang, La Union.

Naunang nagrehistro ang mga benepisyaryo at iba pang mga dumalo. May kabuuang 93 na benepisyaryo ang nabiyayaan ng tulong. Sila ang mga kasali sa Listahanan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nagbigay ng mensahe si Ginang Arlie R. Alonzo, RSW, Municipal Social Welfare and Development Officer mula sa Municipal Social Welfare and Development (MSWD) Office. Nagbigay rin ng mensaheng inspirasyonal si Sangguniang Bayan Member Tanya Roberta A. De Guzman.

Para sa mga nais mag-apply ng tulong-pangkabuhayan, maaaring magpadala ng mensahe sa Mswdo Bauang La Union o bumisita sa kanilang opisina sa taas ng LandBank, Brgy. Central East, Bauang.