May 9, 2024
Nagtipun-tipon ang iba’t ibang opisina ng Munisipyo ng Bauang noong Mayo 9, 2024 sa pamumuno ni Mayor Eulogio Clarence Martin P. Guzman III upang talakayin ang paksang Ipinagbabawal na Gamot o Illegal Drugs.
Ito ay dinaluhan ng iba’t ibang opisina mula sa Munisipyo ng Bauang. Sinaad ni Mayor De Guzman na kailangan nating paigtingin ang kapayaan at kaayusan sa bayan ng Bauang.
Nagsalita rin si Police Chief Master Sergeant (PCMS) Charlie Llarenas at sinabi ang mga plano ng Philippine National Police (PNP) para sa bayan ng Bauang. Malapit na umano nating matamasa ang Drug-Free Title ng ating bayan. Magsasagawa rin ang Bauang ng taunang programa para ipaalala sa Bauangeños ang panganib na kalakip ng illegal drugs.
Maaaring gamitin ang slogan na Buhay Ingatan, Droga Ayawan (BIDA) at Bauang Ayaw sa Droga (BAD).
Kung may nais magreport ng illegal drugs user o seller, tumawag lamang sa PNP sa numerong 0998-518-5160 o 0945-358-8965.